Skip to main content

Ang Aming mga Pederal na Kapartner

 

Equal Employment Opportunity Commission (EEOC - Komisyon sa Patas na Oportunidad sa Trabaho)

Ang Komisyon sa Patas na Oportunidad sa Trabaho ng Estados Unidos ay isang pederal na ahensya na nagpapatupad ng mga batas laban sa diskriminasyon sa lugar ng trabaho batay sa maraming batas. Ang proseso ng EEOC ay nagsisimula kapag ang isang tao, kadalasan ay isang aplikante sa trabaho o empleyado, ay nagsampa ng reklamo ng diskriminasyon na kilala bilang isang "bintang na EEOC" at nagsabi na ang isang employer ay nilabag ang batas na nagdiskrimina batay sa:

  • Lahi;
  • Kulay;
  • Relihiyon;
  • Kasarian (kasama ang pagbubuntis, panganganak, o kaugnay na mga kondisyon, oryentasyong sekswal, at pagkakakilanlang pangkasarian);
  • Bansang pinagmulan
  • Edad (40 o mas matanda);
  • Disabilidad; o
  • Genetikong impormasyon.

Ang EEOC ay nag-iimbestiga rin kapag may nagreklamo na gumanti ang isang employer dahil nagpahayag sila ng mga alalahanin tungkol sa diskriminasyon, nagsampa ng kaso, o lumahok sa pagsisiyasat sa diskriminasyon sa trabaho o demanda.

Ang mga reklamo tungkol sa diskriminasyon at paghihiganti ay dapat ihain sa EEOC sa loob ng may mahigpit na limitasyon sa panahon. Kapag nagpasya ang EEOC na mayroong katibayan na ang isang employer ng estado o lokal na pamahalaan ay nagdiskrimna laban sa empleyado o aplikante at ang mga pagsisikap ng EEOC na ayusin ang reklamo ay hindi matagumpay, ipinapadala ng EEOC ang bintang sa ELS. Ang ELS ay maaaring magpasya na magsampa ng kaso laban sa employer.

Kapag ang ELS ay nagsampa ng kaso batay sa Titulo VII o Batas sa Pagiging Patas sa mga Buntis na Manggagawa, ang mga abogado ng ELS ay hindi kinakatawan ang tao o mga taong nagsampa ng bintang sa EEOC. Sa halip, ang tao o mga taong nagsampa ng bintang sa EEOC ay maaaring kumuha ng abogado na kanilang pinili, sa kanilang sariling gastos, kung gusto nila. Kung ang ELS ay magpasya na hindi magsampa ng kaso tungkol sa bintang, magpapadala sila ng sulat sa taong nagsampa ng kaso, na nagsasabi sa kanila na may karapatan silang magsampa ng sarili nilang kaso sa loob ng 90 araw. Para matuto pang lubos tungkol sa EEOC, bisitahin ang EEOC website.

Kagawaran ng Paggawa ng U.S., Veterans’ Employment and Training Service (VETS – Serbisyo sa Trabaho at Pagsasanay ng mga Beterano)

Ang VETS ay tumatanggap ng mga reklamo mula sa mga miyembro ng serbisyo batay sa Batas sa mga Karapatan sa Pagtatraho at Muling-pagtatrabaho ng Unipormadong Nagserbisyo ng 1994 o USERRA. Ang USERRA ay ginagawang labag sa batas na magdiskrimina sa trabaho batay sa serbisyong militar o kaugnayan. Sa ilalim ng USERRA, ang mga miyembro ng serbisyo ay may karapatan din na muling magtrabaho sa kanilang sibilyan na trabaho pagkatapos ng serbisyo militar.

Kapag ang isang miyembro ng serbisyo ay nagsampa ng reklamo sa VETS, ang VETS ay mag-iimbestiga. Kung ang VETS ay naniniwala na ang employer ay nilabag ang batas, susubukan nitong ayusin ang reklamo. Kung hindi iyon matagumpay, ire-refer ng VETS ang reklamo sa ELS. Ang ELS ay maaaring magpasya na magsampa ng kaso laban sa employer, at sa ilang mga kaso, maaaring mag-alok ang ELS na irepresenta ang miyembro ng serbisyo. Para matuto pang lubos tungkol sa VETS o para magsampa ng reklamong USERRA, bisitahin ang VETS website (ang link ay sa Ingles).

Kagawaran ng Paggawa ng U.S., Office of Federal Contract Compliance Programs (OFCCP - Tanggapan ng mga Programa sa Pagsunod sa Pederal na Kontrata)

Ang OFCCP ay ipinapatupad ang Ehekutibong Kautusang 11246, na ginagawang labag sa batas para sa mga kontratista at sub-kontractor ng pederal na pamahalaan na magdiskrimina sa trabaho dahil sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagbubuntis, panganganak, at mga kaugnay na kondisyon nito, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan ng kasarian), o bansang pinagmulan. Ang OFCCP ay maaaring magpadala ng mga kaso sa ELS, at ang ELS ay maaaring magsampa ng kaso. Para matuto pang lubos tungkol sa OFFCP, bisitahin ang OFCCP website (ang link ay sa Ingles).

Kawanihan ng Sensus ng U.S.

Sa pakikipagtulungan sa isang grupo ng mga ahensya ng pederal na pamahalaan, ang ELS ay nakikipagtulungan sa Kawanihan ng Sensus upang lumikha ng Espesyal na Tabulasyon sa Equal Employment Opportunity (Oportunidad sa Patas na Trabaho) o EEO File. Ang EEO File ay nagpapahintulot sa mga pederal na ahensya na ihambing ang demograpikong data ng lugar ng tabaho ng isang employer kaugnay sa labor market sa isang partikular na heyograpikong lugar at kategorya ng trabaho. Ang data mula sa EEO File ay nagbibigay-daan sa ELS at iba pang ahensya ng pederal na pamahalaan na subaybayan kung sinusunod ng mga employer ang batas, at ipinatutupad ang mga regulasyon at batas sa karapatang sibil na may kaugnayan sa trabaho. Maaari mong tingnan ang EEO File dito sa: Equal Employment Opportunity Tabulation (ang link ay sa Ingles). Para matuto pa, bisitahin ang Census Bureau website (ang link ay sa Ingles).

Binago Nobyembre 17, 2023