Skip to main content

Paano Mag-file ng Reklamo ng Diskriminasyon o Paghihiganti

Ang mga batas na aming ipinapatupad ay kasama ang mahigpit na mga limitasyon sa oras para sa paghahain ng reklamo sa diskriminasyon o paghihiganti. Kung ikaw ay naniniwala na nilabag ng isang employer ang batas, ikaw ay dapat magsampa kaagad ng reklamo sa wastong ahensya. Ibinibigay namin ang impormasyon sa ibaba upang matulungan kang matukoy ang tamang lugar para magsampa ng reklamo, ngunit nasa iyo na kung maghahain ng anumang reklamo sa tamang ahensya sa loob ng naaangkop na mga limitasyon ng panahon, at hindi kami makapagbibigay sa iyo ng anumang payong legal.

  • Kung ikaw ay naniniwala na ang isang employer ay nagdiskrimina o gumanti bilang paglabag sa Titulo VII o sa Pregnant Workers Fairness Act, ikaw ay dapat mag-file ng bintang sa EEOC.
  • Kung ikaw ay naniniwala na ang isang employer ay nagdiskrimina o gumanti bilang paglabag sa USERRA, ikaw ay dapat mag-file ng paghahabol sa VETS (ang link ay sa Ingles).
  • Kung ikaw ay naniniwala na ang isang pederal na kontratista ay lumalabag sa mga responsibilidad nito sa ilalim ng Ehekutibong Kautusang 11246, ikaw ay dapat mag-file reklamo sa OFCCP (ang link ay sa Ingles).
  • Kung gusto mong mag-ulat ng paglabag sa mga karapatang sibil ngunit ikaw ay hindi pa rin sigurado sa tamang lugar na pupuntahan, paki sumite ang ulat sa Portal ng mga Karapatang Sibil. Pakitandaan na ang pag-uulat ng paglabag sa mga karapatang sibil sa Portal ng mga Karapatang Sibil ay hindi katulad ng paghahain ng reklamo sa diskriminasyon o paghihiganti sa EEOC, VETS, o OFCCP, at ikaw ay dapat magsampa ng reklamo sa isa sa tatlong ahensyang iyon upang maprotektahan ang iyong legal mga karapatan.
Binago Nobyembre 17, 2023